Global Agriculture Online
SEE OTHER BRANDS

Top agriculture news from the world

Marcoleta: Congress should assert its oversight power to aid farmers, uplift PH agriculture

PHILIPPINES, August 5 - Press Release
August 5, 2025

Marcoleta: Congress should assert its oversight power to aid farmers, uplift PH agriculture

It is high time for Congress to assert its power of oversight to address the plight of Filipino farmers and uplift Philippine agriculture, according to Senate Deputy Majority Leader Rodante D. Marcoleta.

In his interpellation on the privilege speech of Senator Raffy 'Idol' Tulfo during the session on Monday night, Marcoleta - a lawyer and son of a farmer from Paniqui, Tarlac - pointed out that there are many progressive laws on agriculture that are not being implemented.

These measures have languished or gathered dust, he lamented, as local farmers are overwhelmed by cheap, imported rice flooding the domestic market due to the Rice Tariffication Law. (Republic Act 11203)

"Halimbawa, mayroon po tayong batas...na doon ay nagkaroon ng mandato na bigyan natin ng 'guaranteed price' ang palay. Ngunit hindi natutupad. Hindi nangyari," explained Marcoleta. "Let us revisit that."

The Deputy Majority Leader then shared that farmers' groups from Tarlac and Pampanga recently sought his assistance to complain about the depressed prices of palay in their localities.

"Halos umiiyak sila sapagkat ang bagong gapas na palay ay binibili na lamang between Php 7-8 per kilo. Ang nabilad naman, Php 11-12 pesos per kilo," he told Senator Tulfo.

"Mayroon din po tayong batas na nagpanukala [na] lahat po ng makinarya [at] equipment na gagamitin po ng ating magsasaka ay dito na lamang sa ating bansa gagawin. Batas po yun. Kailanman hindi nagkaroon ng katuparan. Hanggang ngayon po, nag-iimport tayo," Marcoleta further stressed.

"Mayroon din po tayong batas na nagsabi, kung hindi po ako nagkakamali, dito sa Fisheries and Agriculture Modernization Act, kung saan po dedicated po yung mga lupa na kailangan pagtaniman," he related. [Note: RA 8435]

This law mandates that agricultural lands cannot be easily converted or reclassified. "Ngayon ang reclassification, conversion ng mga lupa, kaliwa't kanan na po ang nangyayari. Isang araw po gigising tayo, baka wala na po tayong mapagtamnan. Kahit kangkong na lang," Marcoleta warned.

The senator likewise resurrected the long-standing issue involving the Agri-Agra Reform Credit Act of 2009 or Republic Act No. 10000. Under this measure, he said that 25% of banks' 'loanable funds' should be devoted to farmers. He lamented, however, that this act has sadly been circumvented.

"Gumawa po sila ng paraan para maiwasan ito. Ibinigay sa mga mangungutang na kunwari related sa agriculture. Doon po napunta, kaya napakaraming warehouse po na nangyari," he explained.

Marcoleta said that just like the Education Commission 2 (EDCOM 2), which was a creation of law, he suggested pushing for a measure that would establish a more permanent commission for agriculture.

The commission could look into the status of the rice self-sufficiency program, enhanced role for the National Food Authority (NFA), regulation of rice importation, and measures to counter rice hoarding and smuggling.


Marcoleta: Oversight power, dapat igiit ng Kongreso para isalba ang agrikultura

Para kay Senate Deputy Majority Leader Rodante D. Marcoleta, panahon na para igiit ng Senado at Kamara ang kanilang oversight function upang iangat ang kalunos-lunos na kalagayan ng agrikultura at mga magsasakang Pilipino.

Sa kanyang interpelasyon sa talumpati ni Senador Raffy 'Idol' Tulfo noong Lunes ng gabi, ipinunto ni Marcoleta - isang abogado at anak ng magsasaka mula Paniqui, Tarlac - na maraming magagandang batas sa agrikultura ang 'di naman talaga naipatutupad.

Natengga na aniya ang mga batas na ito, habang sinasalanta naman ang mga magsasaka sa pagbaha ng murang imported na bigas dulot ng Rice Tariffication Law. (Republic Act 11203)

"Halimbawa, mayroon po tayong batas...na doon ay nagkaroon ng mandato na bigyan natin ng 'guaranteed price' ang palay. Ngunit hindi natutupad. Hindi nangyari," ani Marcoleta. "Let us revisit that."

Sabi pa ng Deputy Majority Leader, humingi ng saklolo sa kanya kamakailan ang mga grupo ng magsasaka mula lalawigan ng Tarlac at Pampanga.

"Halos umiiyak sila sapagkat ang bagong gapas na palay ay binibili na lamang between Php 7-8 per kilo. Ang nabilad naman, Php 11-12 pesos per kilo," binanggit nya kay Senador Tulfo.

"Mayroon din po tayong batas na nagpanukala [na] lahat po ng makinarya [at] equipment na gagamitin po ng ating magsasaka ay dito na lamang sa ating bansa gagawin. Batas po yun. Kailanman hindi nagkaroon ng katuparan. Hanggang ngayon po, nag-iimport tayo," pagpapatuloy ni Marcoleta.

"Mayroon din po tayong batas na nagsabi, kung hindi po ako nagkakamali, dito sa Fisheries and Agriculture Modernization Act, kung saan po dedicated po yung mga lupa na kailangan pagtaniman," idiniin nya. (Note: RA 8435)

Malinaw aniya sa naturang batas na hindi pwedeng basta i-convert o i-reclassify ang mga lupang agrikultural. "Ngayon ang reclassification, conversion ng mga lupa, kaliwa't kanan na po ang nangyayari. Isang araw po gigising tayo, baka wala na po tayong mapagtamnan. Kahit kangkong na lang," babala ni Marcoleta.

Binuhay din ng senador ang usapin ukol sa Agri-Agra Reform Credit Act of 2009 o Republic Act No. 10000. Sa ilalim ng batas, dapat aniya ay 25% ng 'loanable fund' ng mga bangko ay ipapahiram sa mga magsasaka. Pero napapaikutan umano ito ng mga pribado at pampublikong bangko.

"Gumawa po sila ng paraan para maiwasan ito. Ibinigay sa mga mangungutang na kunwari related sa agriculture. Doon po napunta, kaya napakaraming warehouse po na nangyari," paliwanag nya.

Bilang panghuli, iminungkahi ni Marcoleta, na katulad ng Education Commission 2 (EDCOM 2) na nilikha ng batas, ay napapanahon na rin na magpasa ng panukala para magtatatag ng isang pangmatagalang commission para sa agrikultura.

Tututok din umano ito sa rice self sufficiency program, papel ng National Food Authority (NFA), regulasyon sa importasyon, at pagsawata sa rice hoarding at smuggling.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions